Masamang Panlasa

Ilang buwan, linggo, at araw na rin pala akong hindi mapalagay. Hindi ko alam kung matutuwa akong silayan ang sikat ng araw. Isang pabigat ang paggising sa umaga. Tila isa itong parusa sa akin. Tila pasan ko ang pinagsama-samang luha ng mga tao sa lansangan.

Gising, ngunit tulog din. Tulog, ngunit gising din.

Hindi ko alam kung sino ang tutulong sa’kin. Bakit kung sino pa ang pinakamalapit sayo, sila pa ang hindi mo makausap? Bakit kung sino ang pinaka-pinagkakatiwalaan mo, siya pang huli mong pagsasabihan ng dinaramdam mo?

Minsan paggising ko, sabi ko, ayaw ko na! Ngunit, sabi ng utak ko, ito na lang ba? Saka ako tumingin sa aking dingding, at hinawakan ito. Gising na nga akong tunay. Bumili ang pintig ng aking puso, at napaalala sa akin ang aking mga suliranin. Ayaw ko na!

At saka ko tinanong ang sarili ko: Saan ba ako nagkamali?

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s