Where Do Broken Hearts Go? (8 Answers from Bohol Land Tour)

Dedicating this entry to my “That Thing Called Tadhana” hangover. The very crisp and thought-provoking usage of the song ‘Where Do Broken Hearts Go’ on the movie made me ask myself, saan nga ba?

Let Bohol Land Tour and me give you some answers.

1. Sa tsokolate. Depressed.Bubuksan ang ref, at saka kukuha ng tsokolate. Babalik sa kama, at saka tititig sa kisame. Mapapaisip. Nasaan kaya siya ngayon (Unang kagat ng tsokolate)? Ano kayang ginagawa niya ngayon (Ikalawang kagat ng tsokolate)? Saan ba ako nagkamali (Ikatlong kagat ng tsokolate)? Pero siya ang mali eh (Ika-apat ng kagat). Galit kaya yun sakin (Ikalima!)? Iniisip niya rin kaya ako (Ika-anim)? UBOS na ang chocolate. Balik sa ref, higa, titig sa kisame, kain tsokolate.
For blog 1

For blog 3

2. Sa Diyos (Simbahan). Sa kalungkutan, magdadasal at hihingi ng lakas mula sa Diyos. Ipapaubaya sa kanya ang lahat.

For blog 4

3. Sa kanyang human-made promises. Umaasa ka na may pag-asa pa kayong magkabalikan. Sabi niya, walang iwanan. Sabi niya, hindi ka ipagpapalit. Kaya naman hindi mo maiwasang manatili at dumalaw-dalaw sa kanyang mga pangako. Umasa ka dun eh. Umasa ka sa mga salita niya. Yun ang mga pinanghawakan mo eh! Ano yun, nagsinungaling lang siya dati?
For blog 5

4. Sa kama at gabing hindi makatulog. Pagkatapos mo sa trabaho o iskwela o anumang ginagawa sa umaga, pagdating sa gabi, maaalala ang lahat ng sakit. Hihiga sa kama, nakalimutan mo nang kumain, at titignan ang kanyang Facebook, Instagram, Twitter at inyong mga pictures. Pagtingin mo 2AM na. Dilat pa ang mga mata mo. Hindi ka makatulog. Hindi mo rin sigurado kung dahil sa sakit, o dahil sa pait na nararamdaman mo. Saka mo patutugtugin ang “Need You Now”.

For blog 6

5. Sa Overflowing Drinks. Dahil ansakit na eh. Ansakit-sakit, doon ka sa kung saan may nag-uumapaw at umaagos na ________ (insert your favorite brand) BEER. Dati Friday night ka lang dyan, ngayon minsan twice o thrice a week na. Sana huwag naman araw-araw. Dati, isang bote ka lang, ngayon tatlo na. Dati 3 hours bago mo ‘yan maubos, ngayon 30mins lang, ubos na.

Pagkatapos ng 3 bote, gusto mo pa, pero may trabaho ka pa bukas. Saka mo patutugtugin at sabay kanta ng “Tonight I’m getting over you! Over you!”.

For blog 7

6. Sa kung saan ka man dalhin ng iyong mga paa. Ilang araw na rin ang nakalipas. Andyan pa rin ang sakit. Lost ka na. Lahat na ata ng mga kaibigan mo nakwentuhan mo na. Ni-like mo na ang lahat ng profile pics at IG posts niya habang nagwa-walwal ka. Pero wala! Hindi ka pa rin kinakusap. Pero di ba ayaw mo rin siyang kausap? Litong-lito ka na. Ayyy, nasaan ka na nga ba? Para lang makalimot, either sumasama ka sa random aya ng mga kaibigan mo o maghahanap ka ng pagkakaabalahan sa iyong free time.

For blog 2

7. Sa piling ng maling tao. Dahil hindi mo naman maitatanggi na sanay ka nang may kasa-kasama, minsan makakahanap ka ng taong posibleng punan ang kanyang paglisan sa buhay mo. “Rebound” ang tawag ng iba. You can call it “hanging bridge”. Will you cross the bridge and take it seriously, or should you take a step back at marealize na isa lamang itong impulse? Or will you just let yourself hang by the moment? Hanging Bridge. BUT PLEASE  WATCH YOUR STEP.
For blog 8

8. Sa piling ng iyong mga kaibigan. Sila ang nakasama mo noong makilala mo siya, at nang iniwan ka niya, sila ang pumunas ng luha mo. O pwede rin namang sila ang nagsabi sayong “Sabi ko sayo eh!” at tinawanan ka pa. Well, dipende sa type ng mga kaibigan mo. We have kind friends, and tough-love-kind-of friends. Ikukwento mo sa kanila at iiiyak mo sa kanila ang lahat.

Sila rin ang tutulong sayo kumain ng chocolates na hindi lang pait ang nararamdaman.

DSC_0119

Ikaw? Where do you think broken hearts go?

Critical picture not purposely included here: Blood Compact Shrine. (Pun intended)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s