90s Kabataan Shows — Mga Random Comments at Kwento

Naalala ko noong mga panahon na nagkikwento ang tatay ko tungkol sa panunuod nila ng cartoons noong kabataan nila at talaga nakikinuod pa sila sa kapitbahay nila para lang mapanuod ang mga ito. Black and white pa noon ang panunuod. Sa susunod henerasyon naman ngayon, hindi na isang katanungan ang kapasidad makapanuod ng cartoons — tatanungin ka pa kung TV, downloaded o streaming. High tech ng mga bagets!

Sa panahon ngayon, may kontrol ka na sa oras ng panunuod mo. Maaari kung bumili ng DVD sa kalye, magdownload ng torrent, o magstream sa internet. Iba noong kabataan namin dahil mayroon kaming golden time 4-6PM. Ito ang panahon kung saan tapos na ang klase, hawak namin ang remote control ng TV, at pawis-na-pawis pa pauwi. Samakatuwid, ito ang mga top 3 na palabas na humubog sa mga batang ’90s (sa aking pamamalagay):

CARTOONS DIVISION

1. Ghost Fighter

GF

Isa ito sa mga dahilan kung bakit pagkatapos ng class time, agad-agad ang pag-uwi sa bahay. Dito natutunan ng mga kabataan ang salitang “kuponan”. Ito rin ang nagturo ng percent-percent sa mga kabataan dahil kay Taguro. Nako, very educational talaga ang Ghost Fighter!

Pinagbibidahan ni Eugene, Dennis, Vincent at Alfred, dito pinakita ang samahan ng magkakaibang pinanggagalingan, ngunit nagkaroon ng samahang hindi mahihigitan. Magkakaiba sila ng pag-uugali at pananaw sa buhay ngunit pinagtibay ang kanilang samahan sa pakikibaka sa ring kung saan kung sinu-sinong mga halimaw ang kanilang nakalaban.

Naging isang palaisipan din sa mga kabataan ang existence ni Master Jeremiah. Ganoon din ang immaturity ni Jerico.

Ang palabas na ito ang isa sa mga pinakakinakantang anime song sa aming classroom.

Moral of the Story: We don’t choose our friends to define us. We choose our friends who would be with us.

Ikaw, namimili ka ba ng kaibigan?

2. Flame of Recca

FOR

Ito ang aking personal na paborito. Pinagbibidahan nina Recca, Aira, Max at Dylan, at malinaw na malinaw ang pag-ikot ng kwento nito sa pagmamahal ni Recca para sa kanyang prinsesa.

Ipinakita nito na ang apat na bida ay may ibat-ibang kapangyarihan na dulot ng krystal na mayroon sila. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananalo sila sa laban sa loob ng ring. May iba’t iba silang kakayahan at hindi lahat ay kaya nilang talunin. Oo, may ganoong aspeto ang palabas na ito.

Naging isang paligsahan sa mga kabataan na kabisaduhin ang mga dragon ni Recca: setsuna, madocca, etc. Kapag walang kang ma-enumerate, pwede mo nang i-deny na paborito mo ito. Naging impluwensya si Recca sa paglalagay ng band-aid sa mukha ng mga kabataan kalalakihan. Naalala ko pa ang 2 kong kaklase noong elementary na may band-aid sa mukha. Buti na lang, hindi ko talaga sinubukang magpaka-cool noong mga panahon na iyon. Kaltas din sa baon ang paglalagay ng band-aid sa mukha.

Moral of the Story: Fight for her.

Ikaw, kabisado mo ba ang mga dragon ni Recca? Ano ang tawag sa technique ni Dylan kung saan nanggagaling sa taas at baba ang kanyang mga yelo? Sino ang pinakamalakas na kalaban nila?

3. Mojacko

moja

Si Dono na nalalasing sa matatamis. Si Mojaro na kapag umiiyak ay nabibingi. Si Mojari na responsableng kapatid. Si Mojacko na madaldal at nafa-flat kapag nababasa. Sino’ng makakapag-isip ng mga ganoong characteristics?

Ang mga alien na ito ang kumbaga Star Wars o Startrek ng masa. Sila ang official friendly alien ng kabataang 90s. Habang ang mga alta ay busy sa Pokemon cards, kami busy kay Doraemon.

Naging mahalagang paksa nito ang paghahanap sa kayamanan sa kalawakan. Turns out na pagkakaibigan pala ang pinamahalagang kayamanan sa kalawakan. Oha oha?

Moral of the Story: Friendship is the greatest treasure in the universe.

Ikaw, kabisado mo ba ang opening song nito?

 

Sa pagtatapos ng listahan, gusto ko lang bigyan ng special mention ang mga ito:

Doaremon, Magic Knight of Rayearth, Sakura, Zenki, Blue Blink, Julio at Julia, Hunter X Hunter, Detective Conan, Slam Dunk

 

EDUCATIONAL DIVISION

1. Hirayamanawari

HMW

Schedule: MWF. Hindi ko makakalimutan ang kwento tungkol kay Indigo. Naniniwala akong dapat ibalik ang Hirayamanawari dahil ito ang naging tunay na GMRC ng kabataan. Naaalala ko tuwing GMRC class namin, iisipin ko, “Buti pa Hirayamanawari, nakikita ko talagang mabait”. Tinuruan ang kabataang maglinis, alagaan ang kalikasan, maging magalang at marami pang iba. Saludo ako sa Hirayamanawari, at sa makapanindig-balahibong lyrics ng Hirayamanawari.
Ating sariwain ang lyrics ng intro song nito:

Gusto kong abutin ang tayog ng ulap
Gusto kong sisirin ang lalim ng dagat
Gusto kong akyatin ang tuktok ng bundok
Tuklasin ang hiwaga sa puso ko’y, bumabalot

Hiraya Manawari, Hiraya Manawari
Mga pangarap natin ating abutin
Ang kapangyarihang nasa puso natin
Hiraya manawari ating abutin

Kaya kong pakawalan ang hiwaga sa aking puso
Kaya kong hawakan init ng aking pangarap
Kaya kong isabog liwanag na aking taglay
Liwanag na nagsisilbing tanglaw ko sa patutunguhan

Hiraya Manawari, Hiraya Manawari
Mga pangarap natin, ating abutin
Sa lakas ng isipan at busilak na kalooban
Hiraya manawari ating abutin

Ikaw, alam mo ba ang ibig sabihin ng “Hirayamanawari”?

2. Bayani

bayani

Schedule: TTh. Sabi nila, ito raw ang nagturong magnakaw sa mga kabataan. Sa aking palagay, ito ang nagturo sa mga kabataan humanap ng artifact (lalim kaagad). Tungkol sa dalawang batang kikitain si Lola sa loob ng kweba para mag-timetravel sa late 1800s para maipakita ang buhay ng mga bayani. Mabubuhay sila sa saglit na sandali upang makita sa kanilang mga mata ang buhay ng mga bayani natin.

Naging makabuluhan ito sa pagbabasa ng Sibika books. Binigyan nito ng kulay at mas malalaim na pagtingin sa mga bayani.

Isa lang siguro sa mga pagkukulang nito ay kung paano nito sana nagawang himukin ang susunod na henerasyon para maging bayani din. Ok, panahon pala namin yun,

PS Nakaka-bore ang around 1min na travel time nila doon sa time-space-warp channel.
3. Sineskwela

Ugatpak, Palikpik, Agatha, Agatom. Kung learning at learning lang ang pag-uusapan, ibang klase ang Sineskwela sa mga naibahagi nitong mga kaalaman. Mula sa paggawa ng plastic at bote, hanggang sa pagkasira ng kalikasan. Namulat ang kabataan sa pagiging mapagpamtyag ang maging mas gutom pa sa kaalaman.

PS Antagal ng extro music kung saan nagroroll lang ang credits.

(Special mention: Math-tinik at Pahina)

 

DRAMA DIVISION

1. Mula sa Puso

MulaSaPusoTV

Tumagal ng 2-3 na taon. Ito ang kwento na pumukaw sa damdamin ng mga kabataan, at kung saan nagturo sa kabataan na mayroon talagang masasamang tao sa mundo for example Celina.
At hindi madaling mamatay ang masamang damo. Nabunggo na at nasunog ang kotse, buhay pa. Buti na lang palaban si Via.

Moral of the Story: Be nice to good couples.

2. Chabelita

CHABELITA

Hindi ko na mabalikan kung ano ang naging significance ni Chabelita sa buhay ng kabataan. Ang alam ko lang, inaantabayanan siya.

Moral of the Story: (Wala akong Maalala)

3. Ang Drama ng Tunay na Buhay ng mga Batang 90s

Ang bawat batang 90s ay may kanya-kanyang kwentong kapupulutan ng aral ng kabataan ng bagong henerasyon.

(Medyo tinamad na ako magtype sa point na ito)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s