Nag-iba na ng Ihip ng Hangin

Dumarating talaga ang mga sandali na kahit gaano mo ipagpilitan ang sarili mo sa isang tao, hinding hindi man lang niya makikita ang sakripisyo at oras na binibigay mo. Hindi mo alam kung sadyang makasarili lamang siya, o sadyang naglalabo na ang kanyang tanaw sa inyong pinakaasam..

Minsan napapaisip-isip at napapatanong ng “Bakit?”. Bakit sa ibang mga nakasasalamuha, hindi naman siya ganuon at sa katunayan pa nga ay mainam ang kanyang pakikisama. Ngunit bakit kapag ikaw na ang kanyang kaharap, tila ba may isang malaking bloke ng yelong nakaharang sa inyong dalawa. Kita niyo at ang isa’t isa ngunit hindi ninyo maramdaman ang isa’t isa. Tanging lamig lamang.

Nakalulungkot pa na na ikaw lamang ang handang basagin ang yelong ito para lamang makausap at makasama siya?

Sa pagtulog sa gabi, siya ang huling nasa utak mo. Kahit pa man sigurado kang malayo pa sa bitwin ang pagkakataong maisip ka niya. Sa paggising sa umaga, ngingiti ka sa panaginip mong siya ang nilaman. Paglipas ng ilang minuto, masasadlak sa unos ng kalungkutan dahil alam mong naging panaginip lang ang lahat.

Hindi naman ganito dati. Nanlamig na. Hanggang sa isang araw, tanging pakiusap mo na lang ay huwag kalimutan ang inyong pinagsamahan. Ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aasam na isang araw, manunumbalik ang dating inyong pinagsamahan.

[Updated Sept 17, 2015]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s