Honor

Honor.

Ako si Ernie. Engineer ako. Sa limang taon ko ng pag-aaral, hindi maikakaila na nararapat ako sa respeto ng mga tao. Edukado at makisig ako. May trabaho, may dunong, may titulo. Inaaasahan hindi lang ng pamilya ko ang aking husay, gayun din ang aking bayan.

Ako si Irma. Guro ako sa isang sikat ng paaralan. May lisensya. Nararapat sa akin ang respeto ng mga estudyante, mga magulang. Nilaan ko ang aking buhay sa pagtuturo at paghubog ng mga  kinabukasan ng aking mga estudyante.

Ako si Lorie. Isa akong volunteer dito sa isang bundok. Hindi pagtuturo ang natapos kong course, ngunit sa mata ng mga bata dito, guro ako. Minsang napagkamalan akong rebelde, nanlaban ako at ngayo’y dito ako naglalagi at iniiwasan ko ang atensyon ng mga otoridad. Hindi ako nararapat ng respeto ng mga tao.

Ako si Mimi. Bata pa lang ako, nahumaling na agad ako sa trabahong pangsimbahan. Inuna ko ang pag-ibig sa Diyos kaysa pag-ibig na bugso ng aking puso. Ako ang takbuhan ng taumbayan tuwing may sakuna at problema. Bukas ang simbahan para sa mga tao. Bukas din ang puso ko. Nakukuha ko ang respeto ng mga tao sa tuwing sila’y bibisita dito.

Ako si Kiko. Ako ang may-ari ng pinakamalaking pagawaan ng pintura dito sa aming bayan. Hindi man ako nakatapos ng kahit anong kurso tulad ng iba kong kababayan, ako ang pinakamatagumpay, ako ang pinakamayaman. Tawag nila sa aking “Sir”. Nararapat akong respetuhin ng mga tao.

Ako si Cory. Marami akong tinda. Banana cue, camote, palitaw. Kung ayaw mo naman, mayroon din naman akong Avon, Natasha, Board Walk at marami pang mga catalogue dito. Hindi ko kailangan ng respeto ng mga tao. Kailangan ko ang respeto ng mga anak ko.

Ako si Bert. Ako ang siga dito sa kanto namin. Madalas naka-inom, pero mas madalas Kagawad. Napapaaway man minsan, mas madalas binabantayan ko ang aming baranggay. Nararapat akong respetuhin ng mga taga-rito sa aking baranggay.

Ako si Merl. Honorable Merlindo Alinghog. Ako ang mayor dito sa amin. Ito na ang pangatlong termino ko at balak kong tumakbo sa konseho ngayong paparating na eleksyon. Napaunlad ako ang aking bayan, ganoon din ang aking kaban. Nirerespeto na ako ng aking bayan, kailangan ko pa ng respeto ng ilan pang mga bayan nang mailuklok ako sa eleksyon.

Sino ang nararapat ng dangal? Who deserves it? Who has it? Who really has it?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s