How did Doraemon end?

(I’m completely not sure where I got this. Someone told me the ending. I really doubt this story, but it’s still worth knowing. I added a lot of details. Not connected in any way to the makers of Doraemon.)

Isang maliwanag na araw, nagising si Nobita sa kanyang papag at agad hinanap si Doraemon. Napanaginipan ni Nobita na oras na para ipagtapat kay Shishuka ang kanyang pagsinta. Binata at dalaga na sina Nobita.

Kanyang inikot ang bahay at tinanong ang kanyang ina kung saan maaaring naglagi si Doraemon. Maaaring intusan ni Mommy na mamalengke. Ngunit hindi kiala ni Mommy si Doraemon.

“Niloloko niyo naman ako eh…”

Agad siyang pumanhik sa kanyang kwarto. Hinanap niya ang kanyang propeller, at agad itong sinuot sa kanyang ulo. Binuksan ang bintana at dumapo sa kanya ang liwanag ng araw na tila naghuhudyat ng pag-asa. Tumayo siya sa bintana tsaka huminga nang malalim, handang tawagin si Doraemon at pagkatapos magtatapat na kay Sishuka.

Buong lakas na tumalon si Noobita sa kanyang bintana.

Nahulog si Nobita.

Nahulog sa bintana si Nobita.

Hindi umikot ang propeller.

Namatay si Nobita.

Makikita na isa lamang ilusyon ni Nobita ang eksistensya ni Doraemon sa mundo. Kathang-isip lamang ng isang batang may sakit sa pag-iisip at may problema sa lipunan. Naghanap ng Utopia ang kanyang sarili at nahanap niya ito kay Doraemon. Si Sishuka ay isang aktres na matagal nang pumanaw at nakita’t nabasa lamang ni Nobita sa magasin. Si Damulag ang aso nina Nobita na kahit katatakutan ang dinadala sa kanya, binigyan ng kulay ang kanyang lantay na buhay. Si Soneo ang parrot sa kanilang bahay na hindi man niya naksundo, binigyan pa rin siya ng atensyon.

Ang drawer ni Nobita ay puno ng mga litrato ng mga pinakamagagandang tanawin sa mundo. Walang time-travel. Sa drawer niya nararamdaman ang pagtakas sa mga sulok ng kanilang tahanan.

Tunay ngang isang makulay na buhay ang tinanaw ni Nobita sa mundo. Hindi dahil hinayaan niya ang kanyang lipunan na diktahan ang kanyang kinagagalawan, ngunit dahil siya ang gumawa ng kanyang ispasyo, kapaligiran at kasiyahan.

Advertisements

One Comment Add yours

  1. pupitar12 says:

    napakagaling ng ending kung totoo nga…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s