Tingin mo normal ang childhood mo?

Baby G

Ito ang relong kinabaliwan, pinag-ipunan, iniyakan at ipinagyabang ng mga bata noong Elementary days (Grade School days para sa iba) days. Sobrang laking porsyento ng buhay mo ang nasayang kapag hindi mo man lamang nahawakan ito. (Biro lang)

Ito yung kapag may pinindot ka, umiilaw. Tapos ang controls, nasa gilid.

KISSES

Ito, masasabi ko talagang hindi ka Pilipino noong bata ka kapag hindi ka nag-alaga ng kisses. Grade 1 at 2 to. Buong klase namin may alagang Kisses. Kapag nilagay daw sa powder at pabango, dadami.

Sabi nga nila, “Uy, nanganganak o!”

Ito ‘yung hindi ka kakain sa recess para lang makabili ka ng mga kisses mo dahil dumadami at nangangak ito. Dahil meron nito noon sa ibang school, ‘yung maramihang mga packages, pinipilit pumunta doon habang wala pa ang sundo. National phenomenon ‘to. Na-confirm ko sa mga taga-Visayas at Mindanao.

Double Star

Ang paggawa ng double star sa goma ay isang fundamental skill ng buhay mo. Kapag hindi ka nito marunong, nagfofocus ka sa kabilang side ng goma: Chinese garter. Gumagawa ka ng mga kakaibang pattern ng mga kulay ng goma para makalaro ng 10-20 at kung anu-ano pa.

Pero mas maigi kung marunong ka sa dalawa.

TAMIYA
Mayaman kang bata ka kapag may tatlo ka nito. Normal ka if you have 1 or 2 or kung natry mo man lang i-on ang tamiya ka ng classmate mo. Dalawang colors lang ang gusto mo: Blue or Red. If you want other colors, extra na lang ‘yun. Kapag may Tamiya ka, not necessarily nanunuod ka ng Let’s & Go! (mali pa ang grammar) dahil flop naman ang plot at out of this world ang mga nangyayari. Ang alam mo lang, masarap makipagunahan sa tamiya.

Syempre, kapag wala kang track, makikipag-unahan ka sa rich kids na mga kilala mo dahil mayroon silang track. At dahil kung mayaman ka naman, ilalalgay mo ang track niyo sa garahe at bubuksan ang gate and the whole village/street will see your oozing track.

Dito rin umuso ang pagbili ng grasa ng mga bata. Dahil laging gusto mong madulas ang makina ng tamiya mo.  Gusto mo rin, nakadisplay ang box ng Tamiya mo.

Ang top priority mo sa class, ‘wag ipakita sa teacher na may Tamiya ka or i-co-confiscate niya ‘yan.

Sa mga walang Tamiya, ayos lang ‘yan. Ang mahalaga, napamahal ka sa mga Tamiya.

Yoyo
Ramdam mo ang pagiging Pilipino mo noong bata ka. Nakapag-yoyo ka na. Iba’t iba ang mga brand niyan. Pero ang brand nung akin Coke, Sprite at Royal. ‘Yan ang mayroon sa amin.

Kung laki ka sa layaw, umiilaw ang yoyo mo kapag nasa lowest possible point na ito.

Umiilaw na sapatos
Since ilaw na rin naman na ang napag-uusapan, banggitin na rin natin ang mga umiilaw-ilaw na mga sapatos noong kabataan natin. Makakapal na rubber shoes at may ilaw na color Red. Wala ng iba. Anak ka ni Bill Gates kapag blue o yellow ang kulay ng ilaw ng sapatos mo.

Hindi ako nagkaroon niyan. Medyo na-illogical-an ako dyan noong bata ako. Pero sa nakikita ko naman, patok na patok ‘yan sa mga classmates ko kaya sige lang. Hindi naman ako madamot sa glory ng ibang tao.

Paperdolls at Pellet Gun
Either or Both

Ang paperdolls, piso isa niyan. Iba’t iba ang mga damit. At iba-iba ang mga characters. Choice mo na kung ano ang gusto mong laruin. Dahil wala pang SIMS noon, parang ito na ang SIMS mo.

Kung mayaman ka namang batang babae, Polly Pocket ang gusto mo. Pero hindi ‘yan phenomenon; kaya ang mga sentiments mo ay maaaring mas maiging itago mo muna.

Ang mga pellet gun naman, may range: revolver to machine gun. Pero ang common denominator, PELLET! Nasa plastic ng ice candy ang mga bala. White, Yellow, Blue, Red, Black, Violet. Regardless kung ano ang kulay, basta kapag may napulot kang bala, itatago’t itatago mo unless sobrang yaman mo na may supply ka sa bahay.

Umuuso lang sa amin ‘to tuwing fiesta kasi may bazaar sa fiesta. Pero sadly, hindi ako pinayagan ng parents ko makipag-giyera sa mga kapitbahay ko. Sabi nila masaya daw. Masaya na rin ako para sa kanila.

Katas ng Santan
Ito medyo selective. Hindi lahat ng bata na-try ang tikman ang KATAS/nectar ng Santan. Dahil Santan ang default flowers sa bahay niyo, tinry mong tikman ang katas ng Santan. Pero feasible lang kasi ‘to kapag may mga kalaro kang napapakahehenyo para i-introduce sa’yo ang concept ng pag-inom ng “tubig” sa Santan.

Maliban diyan, kakaibang tuwa rin ang nararamdaman mo kapag nakakakita ka ng 6-leaf santan. Kasi kapag naglaro kayo ng mga kaibigan mo ng pitik-santan (sa mga walang Santan-life noong bata, ito ‘yung may hawak kayong santan ng kaibigan mo tapos pipitikin niyo ang Santan ng isa’t isa at unahang maubos ang Santan ng kalaban) dahil mas marami kang petals at mananalo ka most-likely.

Advertisements

3 Comments Add yours

  1. jessa says:

    wooh.

    I love the post.

    The Katas ng Santan made me laugh.

    90’s definitely rocks. 🙂

    1. yup jessa. masaya talaga ang 90’s!

  2. ralph says:

    i tried the katas of santan! hahahaa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s